Monday, April 27, 2009

Today, I marry my bestfriend.






Alam nyo, di ko magets yung sinasabi sa wedding invitation na "Today, I marry my bestfriend." Sabi ko, diba may bestfriend na nga yung girl, usually yung maid or matron of honour nya, diba?!

I'm the typical gril na may bestfriend na girl. Kasi mas nakakarelate ako sa isang girl. May mga friends din naman akong boys. In fact, mas marami akong friends na lalaki. But my besftriends had always been girls.

When I got engaged, a lot of things had changed. Kapag pala pag magsyoting pa lang kayo, ang tingin mo sa kanya, isa syang taong in love ka. Isang taong special someone lang ba. Pero kung dumating na kayo dun sa point na talagang forever na ito, nagbabago ang tingin mo sa kanya. It seems na mas nagiging patient sya, mas understanding. Di na sya yung taong in love ka lang. Nakikita mo sya bilang isang taong kaibigan mo for life. Yung taong di ka talaga iiwan kahit ano pa ang mangayari sa inyo. Nagiging bestfriend mo sya.

Mas naiintindihan ko na kung bakit now, gasgas na gasgas na ang linyang nabanggit ko kanina. Kasi pala, kung sya na, ang love mo sa kanya, mixed - bilang isang lover, isang katuwang, isang kasangga, kakampi, katulong, shoulder to lean on, shopping buddy(?!), driver (peace !!), singing partner, dancing partner, gym buddy, and the list goes on - everything that a bestfriend could be.

Pero kung ganun ang lahat ng situation ng mga nagsipag-asawa, bakit may mga naghihiwalay pa? I think the answer lies on the couple itself. Kung hindi mutual ang nararamdaman nyo, and you're not on the same wavelength, thats when the problem arises. Pero syempre iba-iba rin naman ang mga nagiging dahilan.

That's why na-aapreciate ko si Nep. Now pa lang, sobrang inaalagaan nya ako. I'm happy to be his bestfriend, and on the day we're going to tie the knot, taas-noo kong ipagsisigawan, that "TODAY, I MARRY MY BESTFRIEND!"

No comments:

Post a Comment