Saturday, April 11, 2009

Pag-ibig at Kasawian

Nako, sampung buwan na pala.

Ten months ago, nagdesisyon akong subukang umibig muli.
Nakakatawa kasi akala ko hindi na ako makakatagpo ng isang lalaking magiging "tama" para sa akin. HALLERRRR kasi naman yung huli kong boyfriend, hay nako gago. Hoy sandali !!! Baka naman iniisip mo nagiging bitter lang ang lola mo ! Di kaya. Halos mga 2 taon na rin nung huli kong makita si mokong. Mabuti nga yun, wag na syang magpakita. Ibinili mo na nga ng tsekots, lolokohin ka pa. Aba nung huli nga kami nagkita, nagtago pa sa saya ng nanay nya. Nakakaloka. At kukuha na lang ng ipapalit sa akin, yung mukhang tiyahinin ko pa. Hay nakerrrrr nakakainsulto.

Pero alam nyo, in fairness ha, nagpapasalamat naman ako sa kanya. At bakit kamo? Abah, nagpaganda at nag gym ang kagandahang ito. Buti naman pumayat ng kahit konti. Oh say mo, ex mother-in-law? Matapos mo akong tawaging tabachuching, nagyon, lumabas na ang tunay kong anyo !!! HAHAHAHAHA. chubby pa rin pero chubby na sa mga tamang lugar.

Hay nako anyways, tama na ang mga kwentong sawi. HAHAHA. yung masaya naman.

Ako ay napapaligiran ng pag-ibig. Bah, sa huli kong pagbibilang, wala na yata akong friendstership na single. Lahat na yata taken. NAKAKALOKA. Nako. ever chevers talaga.

Ay speaking of love (naks kinikilig na ako tinatype ko pa lang hahaha !!), nagpapasalamat naman ako sa aking only labiduds, my one and only BUBBY-HUBBY, si Mr. Nepthalie Gaynilo. Nako love of my life yan. hahaha. Promise, mean ko yan ha. Sya kasi yung taong tanging nasa isip ko sa bawat mababasa kong love quotes, napapakinggang love songs at maiisip sa pagsulat ng ganitong blog.

Sya lang yata yung taong nagtyatyaga sa mga kacheverans ko. Yung patient sya talaga kahit na supersungit, selfish at basta sa mga loka moments ko. Yung sasabihin pa nga, dahil mahal nya ako, pati utot ko mabango para sa kanya. Ganyan sya ka dedicated. Hay mauubusan na ako ng papuri, kulang pa rin ang pasasalamat ko sa aking mahal na si Nep. Minsan, hindi ko na nga alam kung paano ko susuklian yung mga ginagawa nya. Sabi nya, di naman dapat, kasi kung mahal mo ang isang tao, di ka manghihingi ng sukli or bayad. Sabi ko naman, mamaya sa huli puro utang na ako. Ngayon pa lang kulelat na ako, wala pa rin akong pambayad kundi ang aking buong puso at pagkatao.

Kaya nga, dahil sa pagmamahal ko sa kanya, at dahil alam kong sya na sa buong buhay ko. Pakakasalan ko sya. Sya ang isang taong gusto kong makita sa umaga at ang taong gusto kong makatabi sa pagtulog ko. Sya lamang talaga, nako Fafa John Lloyd wag na wag kang papakita sa akin ha !!! LOL.

Nako corny na kung corny. Sino ba naman ang hindi?! Hoy reader, kailangan yan paminsan minsan.

Bubby, I labs you. You know naman diba. I cant wait for forever. Basta, alam mo na yun. Naks, kilig to the buto at bone marrow na yan.

Sya sige mga ungas hahaha, BALIK KAYO ULIT HA !! Sana madalas ..

Hanggang sa muli.

Ang nag-iisang Pinay Romantika, ang inyong lingkod ...... DARNA !! ay teka iba yun.

Ang natatanging mapagkumbabang romantika ng bayan , CATH.

VAVUSH !!!!

No comments:

Post a Comment