Monday, June 22, 2009

The Trip to the Manghuhula and the other Etc

Been a long, long time since Ive blogged noh?

Well wala pa namang exciting na nangyayare except maybe for a lil trip to Lurnea. What's there you ask? Well nagpunta ako sa isang manghuhula.

Since dito lang naman sa blog ko pwede akong magdadaldal na sigurado akong may makikinig (except kay Nep, he was very keen on listening, apart from that, maybe si Tita Tess hahaha).

So anyways, mga 3 days din akong nag-iisip kung ano nga ba ang gusto kong malaman? Love? Eh parang di ko naman na need. Career? Yeah maybe. Family? I love my family and I'm sure they do too. Friends? Im happy with who I have.

So I went there with no expectations of what to know. Donna, the manghuhula, asked me to wish for 5 things. I can't exactly remember what they are but I just did. She told me that I have made the right choice with the man I am with. She said she sees a marriage coming up very soon and that there will be fidelity and love throughout this marriage. The man I am with raw, will give me 3 kids: 2 boys and a girl. No illness of grave matter is up. And that there may be a change of career soon.

Her last words were, "Basically, you'll live a good life."

I don't know if the fortune tellers are real. But one thing I am sure of, we have our own free will.

On the way back home, a friend and I visited a bridal shop. It was ok. I didn't see a gown na gugustuhing kong isuot. So I'm hoping na Pepsi Herrera will deliver a good design. I believe he will.

Which brings me to an issue I have been feeling na for the past few weeks. Ever felt your identity being taken or copied by someone else? May kilala kasi ako, feeling ko lang parang masyadong maraming coincidence na ang mga pangyayaring nagiging pareho kami. Parang sa mga lugar na puntahan, sa mga kasabihan (vague noh?), katawagan, damit(or trying too). My friend, Cecille, said I am definitely not paranoid. It makes sense naman. Minsan tuloy ayaw ko na lang makipag-usap. Parang ewan. Malabo. Sabi ng iba, siguro nakikita akong competition kasi sa mga bagay bagay noon. Basta, nakakainis lang na feeling ko wala na akong identity kasi lagi na lang nakocopy. BLAH.

Ona different note, I am now with flu. My whole body aches and I am terribly weak. GGGRRR.

Oh, the wedding ring. We've started shopping for our wedding ring at Gregory. HAHAHA will tell you that story next time when I am feeling a lil better.

Sige na mga ka-echeveran.

VAVUSH !

Sunday, May 17, 2009

The Photographer.

If there is anything that I would not think twice of investing in on my upcoming wedding, it will be the photos. Ang katwiran ko, they will last for a lifetime.

One day, nung bored ako sa bahay ng lola ko, I was browsing the net for weddings in Bataan, a photo caught my eye. I just know na I have to get this photographer for my wedding. Buti naman at may link. So i visited yung site nya and saw more photos that really took my breath away.

Who is this mysterious artist? I had to get him. His name's Carlo Cecilio from Imagine Nation Photography.

To view his photos, please visit http://carlojcecilio.com/blog/ or at http://www.imaginenationphoto.com ... and see the reason why I had to catch my breath everytime I see his pictures.

Monday, May 11, 2009

The Groom to Be

Nep and I aren't really the type to go on big on monthsaries. Fine, maybe on the first fews, but I think after a couple or so, we have learned to celebrate on our own lil ways.

Masaya na kasi kami na basta't magkasama. Mahalaga rin sa amin na magkita kami halos araw araw. Kung sa iba mayroon silang schedule, kami naman wala. Dont get me wrong, kung okay sa inyo may schedule eh di ayos.

For the past eleven months, nag evolve ang relationship namin. From girlfriend/boyfriend to bestfriends. Nakita ko kung paano magsikap si Nep to impress not only me but my parents and my sister as well. Sa araw araw na pagkikita namin, I am a witness to a budding relationship, not only with me but with my family as well. Ang sarap ng feeling na willing syang magbigay oras at importansya sa mga taong mahahalaga sa akin.

Isa rin si Nep sa mga taong tumanggap kung sino ako. Tinanggap nya na masungit ako, moody, judgmental, walang preno ang bibig, etc etc. But despite that he would still describe me as a beautiful person inside out.

Kung idedescribe ko si Nep kulang ang buong cyberspace.

Pero isa lang ang masasabi ko.

Napakaswerte ko.

Friday, May 8, 2009

The Group

I might get in trouble for this post. Pero okay lang kasi wala naman akong isusulat kung hindi ang katotohanan.

Recently may mga kaibigan akong nawala. I chose to handle it the way I think is best for the situation then, and unfortunately, hindi nagwork.

Nung naayos na ang problema, nakahinga ako ng maluwag dahil finally, natapos na. Natapos na nga ba? May mga bagay pala talagang hindi sadyang maaayos kahit anong usap at diskusyon pa ang gawin. Masaya ba ako? Ewan Siguro. Oo at hindi. Oo - dahil kahit paano, napatunayan ko kung sino ang mga kaibigan ko talaga. Ngayon ko lang sasabihin yan. Pero talagang nasaktan ako sa naging resulta. Hindi - dahil kahit mag effort pa ako or hindi na, hindi na talaga babalik sa dati.

Sa ngayon, laging sinasabi ni Mareng Mengs na split na ang grupo. Kahit di ko sabihin sa kanya, alam kong alam nyang agree ako sa kanya. Minsan nagiguilty ako kasi di naman dapat damay dito ang iba kong friends, pero dahil they stood by me, naapektuhan na rin sila.

Uulitin ko ang tanong ko sa sarili ko, masaya ba ako? Oo. Mas masaya kasi hindi na ako takot humindi. Mas masaya dahil kahit mas kokonti na lang ang mga taong itinuturing ko at itinuturing akong kaibigan, mas kampante ako. Mas marami bang tawa. Mas nagegets namin ang isa't-isa.

Kaya pala sa buhay, dapat handa.

Looking back, may regret ba ako? Gusto kong sabihing hindi. Pero parang nararamdaman ko, no regrets.

Kaya para sa mga taong hindi ako iniwan sa laban. Para sa mga taong pinakinggan ako. Para sa mga taong walang sawang umiintindi.

MARAMING SALAMAT, KAIBIGAN ...

kilala niyo na kung sino kayo.

TAGAY?

KAMPAY?

Oo, mga tol .. tumagay at kumampay tayo at magpakalasing. Kahit hindi sa alak. Basta andun pa rin ang pagkakaibigan.

Monday, April 27, 2009

Today, I marry my bestfriend.






Alam nyo, di ko magets yung sinasabi sa wedding invitation na "Today, I marry my bestfriend." Sabi ko, diba may bestfriend na nga yung girl, usually yung maid or matron of honour nya, diba?!

I'm the typical gril na may bestfriend na girl. Kasi mas nakakarelate ako sa isang girl. May mga friends din naman akong boys. In fact, mas marami akong friends na lalaki. But my besftriends had always been girls.

When I got engaged, a lot of things had changed. Kapag pala pag magsyoting pa lang kayo, ang tingin mo sa kanya, isa syang taong in love ka. Isang taong special someone lang ba. Pero kung dumating na kayo dun sa point na talagang forever na ito, nagbabago ang tingin mo sa kanya. It seems na mas nagiging patient sya, mas understanding. Di na sya yung taong in love ka lang. Nakikita mo sya bilang isang taong kaibigan mo for life. Yung taong di ka talaga iiwan kahit ano pa ang mangayari sa inyo. Nagiging bestfriend mo sya.

Mas naiintindihan ko na kung bakit now, gasgas na gasgas na ang linyang nabanggit ko kanina. Kasi pala, kung sya na, ang love mo sa kanya, mixed - bilang isang lover, isang katuwang, isang kasangga, kakampi, katulong, shoulder to lean on, shopping buddy(?!), driver (peace !!), singing partner, dancing partner, gym buddy, and the list goes on - everything that a bestfriend could be.

Pero kung ganun ang lahat ng situation ng mga nagsipag-asawa, bakit may mga naghihiwalay pa? I think the answer lies on the couple itself. Kung hindi mutual ang nararamdaman nyo, and you're not on the same wavelength, thats when the problem arises. Pero syempre iba-iba rin naman ang mga nagiging dahilan.

That's why na-aapreciate ko si Nep. Now pa lang, sobrang inaalagaan nya ako. I'm happy to be his bestfriend, and on the day we're going to tie the knot, taas-noo kong ipagsisigawan, that "TODAY, I MARRY MY BESTFRIEND!"

Monday, April 20, 2009

Mga Random na Bagay Uno

Naks matagal na rin pala akong di nagbablog.

Okay, so may mga ilamg bagay ang bumabagabag sa akin. (Teka bago tayo magpaka emo dtio, sabihin mo nga Nakapagpabagabag heheh).

Okay no numero unong nasa utak ko ngayon aay ang birthday ng akin nag-iisang utol. Tin HAPPY 22nd BIRTHDAY, tomorrow ! Sana, ikaw naman ang manlibre. Hirap nyan, palagi ako ang taya.

Alam nyo ba yung feeling na mayroon kang ginawa tapos ang saya kasi natapos mo only to find out you've created a monster? Parang Frankenstein effect. Parang ganun lang ang nararamdaman ko. Pero wag ko na ielaborate, mamaya eh. Mahirap na.

Anyways, lapit na ang uwi ni papa sa Pinas. Nakows, magpapabili na naman ako ng damit sa Bayo. Ang SAYA SAYA SAYA SAYA !!!!! hurraahhh !!!!

Kailangan ko ng inspirasyon na magpapapayat. Kailangan payat akong tingnan sa engagement party. Ang problema, tinatamad ako maggym. Kakambal ng pagkatamad ay ang pagkain ko ng marami. Tsk tsk tsk. Wala, sira ang poise. Sira si diet. Di bale na nga. May ilang buwan pa ako. Basta kailangan na akong magsimula.

Marami ngapala kaming plans ng aking mga friends this coming few months. Sana lang eh matuloy. Meron na ngapala akong dating service. Naisip ko lang, bakit hindi ako tumulong magpasaya sa ibang tao. Masaya na rin naman ako diba? Gaya nga ng sabi nila, share the love.

Tungkol dun sa engagement party ko, nako, ayun nakatengga pa rin yung ibang bagay na dapat askisuhin. Malayo pa naman, diba?

Ay oo ngapala, nagkita kami ni Cecille nung Sabado. Nakows. Tagal naming di nagkita. At ang daming kwentuhan. Sabi nga ni Nep, grabeh, di kami nauubusan ng kwento. HALER !!

Speaking of old friends, may mga dati akong friends na nakita ko sa Facebook. Yung iba, nakasamaan ko ng loob, yung iba bigla na lang nawala, yung iba wala lang. In-add ko sila. Di ko nga sure kung i-approve. Sana diba?

Oh sya sige, hanggang sa muli.

VAVUSH !!

Thursday, April 16, 2009

KAINIS

Hays talaga.

Di ko alam na naman paano simulan ang blog na to.

I know na minsan may mag duties akong dapat kong gawin. Pero parang minsan naaabuso naman yata. Dude, minsan, kailangan ko ring magpahinga. Kailangan ko rin naman ng break. Di naman ako parang isang sponge na i-aabsorb lahat. Di rin naman ako isang re-usable bag na paulit ulit na gagamitin. Tao po ako.

Minsan naman, tumingin kayo sa paligid nyo. Hindi palaging lahat ay ganun ka importante. Kasi minsan, dahil nga tao lang po ang inyong abang lingkod, nagkakamali at napapagod din.