Friday, May 8, 2009

The Group

I might get in trouble for this post. Pero okay lang kasi wala naman akong isusulat kung hindi ang katotohanan.

Recently may mga kaibigan akong nawala. I chose to handle it the way I think is best for the situation then, and unfortunately, hindi nagwork.

Nung naayos na ang problema, nakahinga ako ng maluwag dahil finally, natapos na. Natapos na nga ba? May mga bagay pala talagang hindi sadyang maaayos kahit anong usap at diskusyon pa ang gawin. Masaya ba ako? Ewan Siguro. Oo at hindi. Oo - dahil kahit paano, napatunayan ko kung sino ang mga kaibigan ko talaga. Ngayon ko lang sasabihin yan. Pero talagang nasaktan ako sa naging resulta. Hindi - dahil kahit mag effort pa ako or hindi na, hindi na talaga babalik sa dati.

Sa ngayon, laging sinasabi ni Mareng Mengs na split na ang grupo. Kahit di ko sabihin sa kanya, alam kong alam nyang agree ako sa kanya. Minsan nagiguilty ako kasi di naman dapat damay dito ang iba kong friends, pero dahil they stood by me, naapektuhan na rin sila.

Uulitin ko ang tanong ko sa sarili ko, masaya ba ako? Oo. Mas masaya kasi hindi na ako takot humindi. Mas masaya dahil kahit mas kokonti na lang ang mga taong itinuturing ko at itinuturing akong kaibigan, mas kampante ako. Mas marami bang tawa. Mas nagegets namin ang isa't-isa.

Kaya pala sa buhay, dapat handa.

Looking back, may regret ba ako? Gusto kong sabihing hindi. Pero parang nararamdaman ko, no regrets.

Kaya para sa mga taong hindi ako iniwan sa laban. Para sa mga taong pinakinggan ako. Para sa mga taong walang sawang umiintindi.

MARAMING SALAMAT, KAIBIGAN ...

kilala niyo na kung sino kayo.

TAGAY?

KAMPAY?

Oo, mga tol .. tumagay at kumampay tayo at magpakalasing. Kahit hindi sa alak. Basta andun pa rin ang pagkakaibigan.

No comments:

Post a Comment