Tuesday, April 14, 2009

Ang Engagement Party Part 1

Venue ..... check
Beer glass .... check
Performers .... check
Invitation ... check

Food .... nako wala pa !

Hay nakakaloka talaga mag organise ng isang party. Lalo na kung tatlong daan ang guests mo. Buti na nga lang patient si mahal ko at nakakayanan nya ang tantrums ko.

Sa palagay ko lang ha, magiging Bridezilla ako. Nakikinikinita ko pa lang, nakows lagot ang sinumang sumalungat sa plano ko harharhar. But I guess, talagang ganun. I just want my wedding to be perfect the way I see it. Although sabi nila, something is bound to go wrong somehow. But okay lang, basta ba susulputin ako ni Nep sa altar. LOL.

Hay nako ngapala, mga chikadoras, nagpaprint na ako ng invitation. Simple lang sya. I wanna post a picture here kaya lang, wag na siguro, para surprise !! Walang masyadong arte kasi engagement lang. Sa wedding malamang pa.

Im really thankful kasi yung mga pinsan ko sa Pilipinas eh tinulungan ako. So Aimee, Lian at Kev, taos puso akong nagpapasalamat sa tulong ninyo. Dont worry, tulungan ko kayo sa pag ayos ng papel papuntang Sydney. Naks.

Masaya naman ako sa mga song choices ko. Syempre ako nga namili, eh di dapat masaya talaga ako diba? Ang gulo ko talaga.

I decided na magdiet na talaga. Kasi nako tumaba na naman ako. Kaasar talaga ang mga fats na yan. Kala ko enemies na kami, plastic talaga. Binabalikan ba naman ako? NGAK !

Hay nako sige sa susunod mas marami pa akong update dyan sa engagement party ek ek ko.

VAVUSH !

No comments:

Post a Comment