Sunday, May 17, 2009

The Photographer.

If there is anything that I would not think twice of investing in on my upcoming wedding, it will be the photos. Ang katwiran ko, they will last for a lifetime.

One day, nung bored ako sa bahay ng lola ko, I was browsing the net for weddings in Bataan, a photo caught my eye. I just know na I have to get this photographer for my wedding. Buti naman at may link. So i visited yung site nya and saw more photos that really took my breath away.

Who is this mysterious artist? I had to get him. His name's Carlo Cecilio from Imagine Nation Photography.

To view his photos, please visit http://carlojcecilio.com/blog/ or at http://www.imaginenationphoto.com ... and see the reason why I had to catch my breath everytime I see his pictures.

Monday, May 11, 2009

The Groom to Be

Nep and I aren't really the type to go on big on monthsaries. Fine, maybe on the first fews, but I think after a couple or so, we have learned to celebrate on our own lil ways.

Masaya na kasi kami na basta't magkasama. Mahalaga rin sa amin na magkita kami halos araw araw. Kung sa iba mayroon silang schedule, kami naman wala. Dont get me wrong, kung okay sa inyo may schedule eh di ayos.

For the past eleven months, nag evolve ang relationship namin. From girlfriend/boyfriend to bestfriends. Nakita ko kung paano magsikap si Nep to impress not only me but my parents and my sister as well. Sa araw araw na pagkikita namin, I am a witness to a budding relationship, not only with me but with my family as well. Ang sarap ng feeling na willing syang magbigay oras at importansya sa mga taong mahahalaga sa akin.

Isa rin si Nep sa mga taong tumanggap kung sino ako. Tinanggap nya na masungit ako, moody, judgmental, walang preno ang bibig, etc etc. But despite that he would still describe me as a beautiful person inside out.

Kung idedescribe ko si Nep kulang ang buong cyberspace.

Pero isa lang ang masasabi ko.

Napakaswerte ko.

Friday, May 8, 2009

The Group

I might get in trouble for this post. Pero okay lang kasi wala naman akong isusulat kung hindi ang katotohanan.

Recently may mga kaibigan akong nawala. I chose to handle it the way I think is best for the situation then, and unfortunately, hindi nagwork.

Nung naayos na ang problema, nakahinga ako ng maluwag dahil finally, natapos na. Natapos na nga ba? May mga bagay pala talagang hindi sadyang maaayos kahit anong usap at diskusyon pa ang gawin. Masaya ba ako? Ewan Siguro. Oo at hindi. Oo - dahil kahit paano, napatunayan ko kung sino ang mga kaibigan ko talaga. Ngayon ko lang sasabihin yan. Pero talagang nasaktan ako sa naging resulta. Hindi - dahil kahit mag effort pa ako or hindi na, hindi na talaga babalik sa dati.

Sa ngayon, laging sinasabi ni Mareng Mengs na split na ang grupo. Kahit di ko sabihin sa kanya, alam kong alam nyang agree ako sa kanya. Minsan nagiguilty ako kasi di naman dapat damay dito ang iba kong friends, pero dahil they stood by me, naapektuhan na rin sila.

Uulitin ko ang tanong ko sa sarili ko, masaya ba ako? Oo. Mas masaya kasi hindi na ako takot humindi. Mas masaya dahil kahit mas kokonti na lang ang mga taong itinuturing ko at itinuturing akong kaibigan, mas kampante ako. Mas marami bang tawa. Mas nagegets namin ang isa't-isa.

Kaya pala sa buhay, dapat handa.

Looking back, may regret ba ako? Gusto kong sabihing hindi. Pero parang nararamdaman ko, no regrets.

Kaya para sa mga taong hindi ako iniwan sa laban. Para sa mga taong pinakinggan ako. Para sa mga taong walang sawang umiintindi.

MARAMING SALAMAT, KAIBIGAN ...

kilala niyo na kung sino kayo.

TAGAY?

KAMPAY?

Oo, mga tol .. tumagay at kumampay tayo at magpakalasing. Kahit hindi sa alak. Basta andun pa rin ang pagkakaibigan.